“DO NOT LOSE YOUR CAPACITY TO DREAM AS YOU WILL ALSO
LOSE YOUR CAPACITY TO LOVE.” Ito ang nakaantig sa akin na sinabi ni Pope
Francis. Minsan sa aking buhay ay nanghihina na rin akong mangarap na mabubuo
pa ang pamilya ko. Pero narealize ko na kung patuloy akong mangangarap para sa pamilya,may
kasiguraduhan na may maganda kaming kinabukasan. –Abegail-
Nung nakita ko si Pope Francis ay para ko na ring
nakita ang Diyos. Siya ang naging inspirasyon ko. Natutunan ko na huwag mawalan
ng pag-asa at huwag sumuko sa problema. Huwag kakalimutang mangarap na magkaroon ng isang pamilyang
masaya. –Mark-
Sobrang daming nagmamahal sa Santo Papa at ipinahiwatig
sa akin ng Diyos ang kahalagahan ng pagprotekta sa pamilya. Hindi tayo dapat
mawalan ng pag-asa dahil laging nandiyan ang Diyos. –Marie-
Naranasan ko ang grabeng pagmamahal at presensya ng Diyos sa pamamagitan ni
Pope Francis. Naantig ako sa kanyang kindness, mercy and compassion sa mga may
kapansanan. Mas naramdaman ko yung magkaroon ng tunay na ama dahil sa kanya.
Ipinahiwatig sa akin ng Diyos na magbago na ako sa aking pananaw at maging positibo
at mapalalim ang pananampalataya sa Diyos. –Chaby-
Masaya at nakaka excite makita si Pope Francis. Ang pagdating niyaay humahamon
sa akin na magpatuloy pa sa buhay nang may tapang at positibong pananaw. -Marie Rose-
Habang nagsasalita si Pope, naisip ko ang aking pamilya, na sana ay buo pa
kami at parang sinasabi sa akin ng Diyos
na pwede pang magsimula muli. Huwag nating hahayaang laging sinasaktan ng
iba…bumangon tayo muli. –MJ-
Sobrang pananabik na makita si Pope Francis. Lalo kong naramdaman ang presensya
ng Diyos. Sabi ni Pope, dapat kung pagod na tayo, “rest with the Lord.”
Ibinulong sa akin ng Diyos na dapat mas maging matatag at malakas ang loob sa
lahat ng hamon ng buhay . Sabi ng Diyos sa akin, “huwag kang matakot, kasama mo
ako.”-Joaquin-
Natutunan ko kay Pope Francis na huwag balewalain ang may kapansanan at mga
taong hindi nararamdaman ang Diyos. –Ony-
Pinalakas ni Pope Francis ang aking loob na tanggapin na wala na ang aking mga
magulang at maging maayos na ako sa aking sarili dahil ang mga bata ay tunay na
regalo ng Diyos. –Angelo-