Prayer Intention for Novena of Masses for Christmas (December 16-24, 2009)
1. Kabataan:
Para sa Kabataang Pilipino, nawa ay mabigyan sila ng makabuluhang edukasyon at maging daan ito ng pagbabago sa ating BANSA
2. Biktima ng Karahasan:
Para sa mga Katutubong Pilipino na dumaranas ng karahasan at kawalan ng lupang ninuno, nawa’y magbuklod sila upang tutulan ang Development Aggression at ipagtanggol ang Kasarinlan
3. Migranteng Pinay: Para sa Migranteng Pilipino at sa mga pamilya nila, nawa ay maging matatag ang kanilang ugnayan at ipagtanggol ang karapatan laban sa Globalisasyon
4. Magsasaka:
Para sa mga Magsasaka nawa ay mabigyan sila ng proteksyon sa hagupit ng Globalisasyon at mabigyan sila ng karapatang mag-ari ng lupang kanilang binubungkal upang mabigyan sila ng disenteng pamumuhay
5. Manggagawa :
Para sa Manggagawang Pilipino laluna ang biktima ng kontraktwalisasyon at mababang sahod, nawa’y patuloy silang magkaisa upang igiit ang karapatan, hustisya at hangaring mabuhay nang makatao
6. Pamilyang Pilipino:
Para sa Pamilyang Pilipino, nawa ang bawat tahanan ay maging kanlungan ng pag-asa ng buong mag-anak at mahubog ang bawat isa sa maka-Kristyanong buhay na puno ng PAG-ASA at PAGMAMAHALAN
7. Kababaihan :
Para sa mga Kababaihang biktima ng pang-aabuso at pagsasamantala, nawa’y mamulat sila sa sariling lakas at kakayahang bumangon at itaguyod ang sariling dangal
8. Kalikasan :
Para sa Kalikasan, habang ito ay patuloy na pinagmumulan ng biyaya ng buhay at lakas para sa tao, nawa ay pangalagaan at irespeto ng tao ang Likas Yaman ng PILIPINAS at ng mundo
9. Maralitang Taga-Lunsod :
Para sa Maralitang Tagalunsod, laluna na ang mga biktima ng Demolisyon, nawa ay irespeto ng gobyerno ang kanilang karapatan para sa makataong tirahan at bigyan sila ng maayos na hanap-buhay upnag maitaguyod ang isang buhay na may DANGAL